^

Bansa

SONA tuloy sa Kongreso

-

MANILA, Philippines – Tuloy ang pagbibigay ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo ng kan­yang State of the Nation Address kasabay ng pag­babalik ng regular na ses­yon ng Kongreso sa Hul­yo 27.

Ito ang inihayag kaha­pon ni House of Representatives Speaker Pros­pero Nograles kasunod ng mga naglabasang mungkahing ipagpaliban o gawin sa ibang lugar ang SONA makaraang matuklasang dalawang empleyado ng mababang kapulungan ang nahawa­han ng influenza AH1N1. Isa sa mga ito ay namatay sa sakit sa puso bagaman positibo rin sa naturang virus habang ang panga­lawa ay gumaling.

Normal ang trabaho kahapon ng mga emple­yado ng Kongreso pag­ ka­tapos ng isang ling­gong pagsasara ng ma­babang kapulungan dahil sa ulat na dalawang ka­samahan nila ang me­rong AH1N1.

Gayunman, ang ba­wat taong pumapasok sa Batasan building ay idi­nadaan sa thermal scan­ner. (Butch Quejada)


BATASAN

BUTCH QUEJADA

GAYUNMAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER

HUL

ISA

KONGRESO

PANGULONG GLORIA MA

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with