^

Bansa

Misa suspindido!

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pag­ taas ng kaso ng AH1N1 virus, hindi na magsasagawa ng misa at posibleng tulu­yan ng isara ang mga Sim­bahan ng Katoliko.

Ito ang ipinahayag ka­hapon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pamamagitan ni Caloocan Bishop Deora­cias Yniguez dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng swine flu sa bansa.

Aniya, ang pagsusus­pindi ng misa sa mga sim­bahan ang kasalukuyang kinokonsiderang hakbang ng CBCP upang makaiwas sa swine flu. Gayunman, inamin ni Yniguez na isang “marahas” na hakbang kung ito ay itutuloy kaya naman masusi pa itong pinag-aaralan.

Sa panig naman ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi na angkop sa sitwasyon ang plano ng CBCP dahil mas lalo lang itong magbibigay ng takot sa publiko.

Ayon kay Duque, ang swine flu na tumama sa bansa ay mahinang virus lamang kaya hindi na kailangan na pahintuin ang pagmimisa sa mga tao.

Ipinaliwanag pa ng Kalihim na walang nagsus­pindi ng misa sa anumang simbahan sa ibang bansa na tinamaan ng swine flu kahit pa man malakas na virus ang tumama sa kanila.

Una ng pinatigil ng CBCP ang pagsusubo ng os­tiya sa bibig ng mga Ka­toliko, bagkus ito ay inilala­gay na lang sa kamay ng mga tao at paghahawak-hawak ng kamay ngunit unti-unti na rin ibinabalik sa ilang simbahan.

Matatandaan din na ina­tasan ni Pangulong Arroyo ang Department of Health na bumuo at mag­lagay ng mga mobile testing facilities para ipakalat sa mga apek­ tadong lugar ng AH1N1 virus, ngunit nilinaw ni Health Undersecretary Mario Villaverde na hindi na ito kinakailangan pang gawin dahil kaya na itong gamutin sa mga rural clinics.

Noong Biyernes, ay 861 kumpirmadong kaso ng swine flu ang naitala ng DOH sa bansa, ngunit ang mga ito ay pawang mga “mild cases” na madali lang gamutin kaya hindi na kina­ kailangan pa na magka­roon ng pagbabago sa loob ng ospital, lalo pa at may inilaan ng kuwarto ang mga ito sa mga taong pinaghihi­nalaang may AH1N1 virus.

CALOOCAN BISHOP DEORA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HEALTH UNDERSECRETARY MARIO VILLAVERDE

NOONG BIYERNES

PANGULONG ARROYO

SHY

YNIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with