Barangay numbers papalitan ng pangalan ng bayani, scientist

MANILA, Philippines - Iminungkahi kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim na palitan na lamang ng pangalan ng mga ba­yani, Santo, national artist o scientist ang nakaka­litong barangay numbers dahil mas madali umano itong makilala.

Naisipan lamang ng al­ kalde ang suhestiyon nang malito sa pagtawag sa ba­wat barangay na kinakata­wan ng numero, sa idinaos na People’s Day, kamaka­lawa sa Manila City Hall.

Aniya, bukod sa ba­rangay number, nakalilito din na may district numbers at zone numbers ang bawat barangay kung ibabase rin sa numero ang kanilang pagkilanlan.

“Mas maganda siguro kung papangalanan na lang natin ang ating mga ba­rangay kesa puro nu­mero ang bi­nabanggit natin,” ani Lim.

Kung sa pangalan ng barangay at hindi numero, mas madali umanong ma­kilala ang mga opisyal at maging constituent dahil ia-associate sila sa ‘kata­wagan’ o pangalan ng ba­rangay maging sa oras na may trabaho o magan­dang bagay silang na­gawa. (Ludy Bermudo)

Show comments