^

Bansa

Walang human rights violation sa relokasyon ng iskwater sa riles

-

MANILA, Philippines - “Wala kahit isa mang human rights violation ang naganap sa relokasyon ng may 2,400 pamilyang iskwa­ ter na apektado ng North-South Rail Linkage Project.”

Ito ang masayang ibi­nalita ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri matapos ang matagumpay na in-city relocation ng may 2,400 pamilyang naninirahan sa tabi ng riles ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Echiverri, malaking bagay ang tiwa­lang ibinigay sa kanya ng mga taga-riles nang ipa­ngako nito noong una na bibigyan niya sila ng isang maayos na paglilipatan sa Barangay 171, Bagum­bong, na mas kilala bilang Northville 2-B development project.

Dahil dito, aniya, 100-porsyento nang natanggal ang lahat ng ilegal na istraktura at mga bahay-bahay na nasa tabi ng kahabaan ng riles ng PNR na sakop ng Caloocan, na wala kahit isa mang nag­reklamo sa Commission on Human Rights.

“Ito na marahil ang kauna-unahang makatao, malakihan at boluntaryong paglilipat sa kasaysayan ng squatting sa Kalakhang Maynila,” aniya.

AYON

BAGUM

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HUMAN RIGHTS

KALAKHANG MAYNILA

NORTH-SOUTH RAIL LINKAGE PROJECT

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with