^

Bansa

RP naghanda vs bagong strain ng A(H1N1)

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Health Un­dersecretary Mario Villa­verde na handa ang pa­mahalaan sa panibagong strain ng AH1N1 flu na nakumpirma ng mga eksperto sa Sao Paulo, Brazil.

Ayon kay Villaverde, halos tulad din naman ito ng AH1N1 virus na nila­labanan ng pamaha­laan sa pamamagitan ng mga gamot, quarantine at mga swab test.

Lumabas sa pag­su­suri ng Adolfo Lutz Bacte­riological Institute sa Brazil na ang A/Sao Paulo/1454/H1N1 ay mas ma­tin­di pa kumpara sa AH1N1 na ngayon ay tumama sa maraming bansa kabilang ang Pili­pinas.

Sinabi ni Villaverde na walang dapat ikabahala ang publiko at maaring ipatupad din ang mga practical measures para ito’y magamot.

Umaasa din ang DOH na hindi na ito mag-mutate o magbago sa mas delikadong virus tulad ng SARS.

Sa katunayan umano ay binabantayan na rin nila ang second wave na tinatawag na pagbabago ng strain virus kapag nagsimula na ang win­ter months sa southern hemisphere.

Bilang precautionary measure, ipinaalala na rin ng DOH sa delegasyon ni Pangulong Arroyo na mag-ingat sa pagpunta sa Brazil.

Tuloy umano ang bi­yahe ng Pangulo sa Brazil at kailangan lamang na magsagawa ng social distancing at palagiang pag­huhugas ng kamay.

vuukle comment

ADOLFO LUTZ BACTE

AYON

BILANG

HEALTH UN

LUMABAS

MARIO VILLA

PANGULONG ARROYO

SAO PAULO

SHY

VILLAVERDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with