MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang pagdiriwang ng ika-111 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa QC hall grounds kasama si Vice Mayor Herbert Bautista, iba pang mga opisyal at empleado rito kahapon.
Ang okasyon na may temang “Kagitingan, Kagalingan, Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan” ay nagsimula sa flag raising ceremony kung saan tampo dito ang naging kontribusyon ng lunsod sa socio-economic efforts ng bansa.
Sa kanyang panig, muling pinahalagahan ni Belmonte ang pangangailangan ng pakikiisa ng mamamayan sa hangaring magkaroon ng pambansang pagkakaisa at pagpapahusay ng estado ng pamumuhay ng taumbayan. (Angie dela Cruz)