Kawalang-gana ni Cory sa pagkain ikinabahala ng pamilya

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Senator Benigno “Noy­noy” Aquino III na hindi mabuti ang appetite ni dating Pangulong Corazon Aquino kaya hindi ito mas­ya­dong nakakakain.

Sa isang pulong-balitaan sa Senado, sinabi ni Aquino na labis nilang ipinag-aalala na walang ganang kumain ang kanyang ina na nakikipag­laban pa rin sa sakit na colon cancer.

Inihayag pa ng senador na, kahit hindi mas­ yadong nakakakain ang kanyang ina, alam naman nito ang nang­yayari sa bansa kaya nagpadala pa ng isang mensahe sa isinagawang kilos-protesta sa Makati kamakalawa.

Katulad ng mga nakararami, kinondena ni Aqui-no ang isinusulong na Constituent Assembly ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongre-so. (Malou Escudero)

Show comments