"AHN1" ituturing na lang na trangkaso
Paiigtingin pang mabuti ng Department of Health ang pagkumpirma ng mga inuulat na kaso ng influenza A H1N1 virus sa bansa.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, inaasahan na nilang darami ang magre-report ng mga hinihinalang kaso dahil mauuso na ang mga trangkaso sa panahon ng tag-ulan.
Dahil dito, muling pinayuhan ng DOH ang publiko na palakasin ang resistensya ngayong tag-ulan para makaiwas sa trangkaso o anomang sakit.
Unang sinabi ng DOH na posibleng baguhin na anila ang pamamaraan ng pagtrato sa Influenza A H1N1 virus at ituturing na lamang itong karaniwang sakit na trangkaso.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mauubos ang pondo ng gobyerno kung pananatilihin ang kasalukuyang paraan ng pagtrato sa problema ng virus. (Doris Franche)
- Latest
- Trending