^

Bansa

Seafarer center araw-araw ang job fair

-

MANILA, Philippines - Araw-araw, merong job fair sa Seafarer’s Center sa bahaging Kalaw St. sa Luneta at, sa kabila ng krisis sa ekonomiya sa mundo, may naghihintay na 1,000 trabaho para sa mga seaman na Pilipino. 

Ayon kay Atty. Giovanni Lopez, overall vice president ng center, may 600 seafarer ang natatanggap sa trabaho sa loob ng isang araw sa ginagawa nilang job fair.

Sinabi ni Lopez na maraming Filipino ship captain, marine deck officer, chief engineer, cook, steward at iba pang tripu­lante ang kailangan ng mga may-ari ng mga barko hanggang taong 2012.

Bukod sa job fair, ka­bilang sa matatagpuan sa center ang dormitoryo, 112 manning at shipping information booth, medical mission at free legal advice.

Meron din anya ritong satellite officer ng Philippine Overseas Employment Administration, Over­seas Workers Welfare Administration, Maritime Industry Authority, at Professional Regulation Commission para tulu­ngan ang mga job applicant na seaman.

ARAW

AYON

BUKOD

GIOVANNI LOPEZ

KALAW ST.

LOPEZ

LUNETA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with