CPP-NPA leaders nag-aaway sa pera?

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang awa­ yan sa pera ang motibo sa pagpaslang sa anak ni New Peoples Army Commander Leoncio Pitao na si Evelyn Pitao, dahil sa umano’y gi­na­gawang paglabag nito sa ilang batas ng kanilang grupo.

Sa ipinadalang report ni Army 10th Infantry Division Chief Major General Rey­naldo Mapagu, ang pagpa­tay kay Evelyn ay nagpa­patunay lang ng awayan sa loob ng pamunuan ng NPA bukod sa mga ginawang paglabag ni Commander Pitao sa kanilang samahan gaya ng hindi umano nito pagpapatupad ng ilang programa ng NPA sa kan­yang nasasakupan.

Aniya, masusi rin pina­im­bestigahan ni Jose Maria Sison ang hindi nairemit na P70M nakolekta sa extortion ng naturang grupo sa Davao Region.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit sumuko ang 71 miyembro ng NPA sa gob­yerno at ang matinding de­moralisasyon sa mga ta­uhan nito dahil tanging ang mga lider nito ang nagpa­pasasa sa kanilang pondo habang naghihirap sa ka­bundukan ang mga miyem­bro. (Joy Cantos)

Show comments