Maricar Reyes hindi na iimbitahan ng Senado
MANILA, Philippines – Hindi pipilitin ni Senator Ana Consuelo “Jamby” Madrigal si Maricar Reyes na biktima rin ni Dr. Hayden Kho Jr. na padaluhin sa susunod na hearing ng komite kaugnay sa iskandalo ng sex video.
Sinabi ni Madrigal, chairman ng Senate Committee on Youth, and Family Relations, na maituturing ring biktima ng sex video ni Kho si Reyes at hindi na ito iimbitahan sa mga susunod na hearing dahil hindi naman kailangan ang kaniyang presensiya.
Nauna na ring sinabi ni Madrigal na posibleng hindi na rin imbitahan si Katrina Halili dahil posibleng ma-trauma na ito matapos ang madamdamin nilang paghaharap ni Kho sa Senado.
Kaugnay nito, sinabi ni Lolit Solis sa isang panayam sa radyo na dadalo siya kung muling iimbitahan ng komite sa susunod na hearing.
Hindi nakadalo si Solis sa unang hearing ng komite dahil sa kanyang ‘prior commitment’.
Naniniwala naman si Madrigal na maari sanang maparusahan si Hayden sa ilalim ng ipinasang batas ng Senado kaugnay sa anti-child pornography law, pero hindi pa ito pumapasa sa Kamara.
Kung mapapatunayan aniyang menor-de-edad pa lamang si Reyes nang kinunan ito ng sex video ni Kho noong magka-klase pa lamang sila sa medisina ay sasabit ang kontrobersiyal na doctor. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending