Puno sinibak ni GMA!
MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni Pangulong Arroyo bilang vice-chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si DILG Secretary Ronaldo Puno matapos ianunsiyo nito ang kanyang planong pagtakbo bilang vice-president sa 2010 elections.
Sa Executive Order 799 ng Pa ngulo, itinalagang kapalit ni Puno si Deputy Executive Secretary for finance and administration Susana Vargas.
Mananatili namang miyembro ng PAOCC si Puno dahil sa pagiging pinuno nito ng DILG. Si PGMA ang chair ng PAOCC.
Inanunsiyo ni Puno ang kanyang intensyong tumakbong VP sa 2010 at nais niyang makuha ang nominasyon ng Lakas-Kampi-CMD. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending