Villar pinaka-mayamang senador

MANILA, Philippines - Nangunguna pa rin si Senator Manny Villar sa pinakamayamang senador kung saan nakapagtala ito ng asset na nasa P1.047 bilyon na sinundan naman ni Senadora Jamby Madrigal na P145.617M.

Pangatlo sa pinaka­mayaman si Senate President Juan Ponce Enrile, P120.367M na sinundan ni Ramon “Bong” Revilla, P118M; Mar Roxas, P110.7M; Jinggoy Estrada, P83.511M; Pia Cayetano, P76.6M; Miriam Santiago, P75.7M; Loren Legarda, P45.59M at pang-10 si Edgardo Angara, P44.1M.

Ang pinakamahirap na senador ay si Sen. Antonio Trillanes pa rin na umabot lamang sa P2.966M ang asset. Pero tumaas na­man ito kumpara sa asset niya noong 2007na nasa P2.3M lamang. (Malou Escudero)

Show comments