^

Bansa

Titigil muna sa pagdo-doktor: Hayden nag-sorry

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Titigil muna sa pagdo-doktor si Dr. Hayden Kho matapos na lumabas ang mga sex videos nito kasa­ma ang actress na si Ka­trina Halili at dalawa pang babae.

“I own up to my responsibility as a professional, and have decided to suspend my practice of medicine,” pahayag ni Kho.

Humingi din ng tawad at paumanhin si Kho sa publiko sa paglabas ng naturang sex video pero tumangging siya ang nasa likod nito. Wala anya siyang intensiyon na sak­tan ang mga babaeng nasasangkot dito.

“I deplore the fact that without my knowledge and consent, these recordings were uploaded on the internet, downloaded, reproduced in optical media form, distributed and sold to the public,” sabi pa ni Kho.

Una ng hiniling ni Halili na tanggalan ng lisensiya ng Professional Regulation Commission si Kho bilang doktor at agad din naghain ang aktres ng reklamo sa National Bureau of Investigation kaya naman agad na isinubpoena nito sina Kho, Dra. Vicky Belo at isa pang Dr. Eric Johnston Chua na kaibigan ni Kho.

Pero kahapon, mga abugado lamang nina Kho at Dra. Vicki Belo ang su­mipot sa NBI. 

Ayon sa abugado ni Kho na si Atty. Lorna Ka­punan, ipinaliwanag uma­no sa kanya ng una na iti­nuturing lamang ng kan­yang kliyente na i-diary sa pamamagitan ng video ang mga karanasan kabi­lang ang mga nakatalik.

Hindi rin umano totoo na may 40 siyang sex video bagkus ay tatlo la­mang umano ang kani­yang naka-partner na babae sa sex video. 

Pinadalhan na ng PRC-Legal and Investigation Divison ng subpoena si Kho 

Gayunman, bigo ang mga itong maisilbi ang subpoena sa condo unit ni Kho sa Makati dahil hindi doon natagpuan ang kontrobersyal na doktor.

Samantala, magsa­sampa rin ng kaso si Hay­den laban sa kaibigang si Chua kaugnay ng pagkalat ng kanyang mga sex videos.

Ayon kay Kapunan, inamin na ni Chua sa kanyang kliyente na ito ang responsable sa pag­ papa­kalat ng mga sex videos.

Sa private computer umano ng doktor kinuha ang video kung saan da­lawang kaibigan lang nito ang may access. Di­nown­load umano ang mga kon­trobersyal na video mula sa computer ni Hayden at saka ina-upload sa inter­net.

Paliwanag ni Kapunan, si Chua ay isang computer expert na nagmamay-ari ng maraming computer establishment.

vuukle comment

AYON

CHUA

DR. ERIC JOHNSTON CHUA

DR. HAYDEN KHO

DRA

HALILI

KAPUNAN

KHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with