Wagayway, kalayaan festival ipagdiriwang
CAVITE, Philippines - Puspusan ang paghahanda ng provincial government para sa pagdiriwang ng Kalayaan Festival at Wagayway Festival bilang paggunita sa mahalagang bahagi ng kasaysayan.
Itinuturing na mother of all festivals ang Kalayaan Festival sa Huwebes (Mayo 28) kung saan nakasentro ang pagdiriwang sa bagong tatak na Cavite: Be part of the Revolution upang hikayatin ang mga Caviteño na makibahagi sa makabagong rebolusyon tungo sa kaunlaran.
Samantala, ipagdiriwang naman ang Wagayway Festival sa bayan ng Imus sa Sabado (Mayo 23) kung saan may temang - Isang Bansa, Isang Bandila, Isang Wagayway.
Pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ang pagsasadula ng Labanan sa Alapan (Encuentro) sa Imus town plaza sa ganap na alas-10 ng umaga. Sa pagtatapos ng Wagayway Festival ay ang hudyat ng pagsisimula naman ng Kalayaan Festival sa pamamagitan ng longest flag wave (Bayanihan Tungo sa Kaunlaran) sa kahabaan ng Aguinaldo Highway mula SM Bacoor hanggang SM Dasmariñas. Biyernes ng umaga (Hunyo 12), sisimulan ang pagdiriwang sa Aguinaldo Shrine sa Kawit ng tradisyonal na flag raising ceremony at susundan ng pagsasadula ng himagsikan sa Cavite. Kabilang din sa pagdiriwang ang marching band competition na gaganapin sa Freedom Park. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending