MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte na ipagkaloob na ang mid-year bonus ng mga empleado ng QC hall ng hindi lalampas ng Mayo 30 ng taong ito.
Ang mid-year bonus ay 50 percent equivalent ng basic monthly salary ng isang empleyado at kalahati ng P5,000 cash gift sa mga empleado ng pamahalaan na mandato ng Department of Budget and Management (DBM)
Lahat ng elective at appointive regular plantilla city paid personnel na nakapag- serbisyo ng 4 buwan hindi kasama ang leave of absence with pay mula Enero 1 hanggang Mayo 16 ay entitled na makatanggap ng naturang benepisyu.
Minabuti ni SB na maibigay ng maaga ang mid -year ng mga empleado ng QC hall upang makatulong ang pondo sa gastusin ng mga ito sa enrollment ng mga anak sa pag- aaral.
Ang mga empleado ng city hall na pumasok bilang part time basis ay makakatanggap din ng benepisyu at pro-rata amount na cash gift na naiserbisyo ng 4 na buwang service requirement. (Angie dela Cruz)