MANILA, Philippines – Inakusahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si jailed-Senator Antonio Tril lanes na tangkang pagta takip sa nabistong sikretong pagsasanay ng ilang miyembro ng military rebel group na Magdalo sa Clark, Pampanga kamakailan.
Ayon kay PAOCC Executive Director for Intelligence and Special Operations Mariano Jose Villafuerte III, mistulang ipinakikita rin ni Trillanes na may nalalaman ito sa ‘secret training’ na ito at naghain ng resolusyon sa Senado na humihiling na maiimbestigahan ang pangyayari para mapagtakpan ang mga naarestong Magdalo members.
Mismong si Tony Newman, na isang Australian national at former member ng Special Force ng Australian military ang bumisto sa lihim na pagsasanay na ito ng Magdalo members matapos siyang magduda sa kung ano talaga ang motibo ng mga ito at kinuha ang kanyang serbisyo para sila i-train sa iba’t-ibang military tactics.
Giit ni Villafuerte, walang basehan na pagdiskitahan siya ni Trillanes sa pagsama sa raid sa ‘secret training headquarters’ na ito ng Magdalo men dahil isang joint operation ang kanilang ginawa kasama ang mga operatiba ng Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, PNP at PAOCC.
May mga nakuha umano silang mahahalagang ebidensya sa lugar ng raid gaya ng ilang dokumento, video taped at iba pa na gagamitin para pormal na sampahan ng kaso ang mga naaresto. (Doris Franche)