^

Bansa

Magkasunod na sunog sa NAIA 1, Mla. Domestic Airport: 1 sugatan

-

MANILA, Philippines - Kasabay ng matin­ding laban nina Pam­bansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Ricky “Hitman” Hatton sa Las Vegas, Nevada, dalawang magka­sunod na sunog ang dumale sa loob ng Ninoy Aquino International Airport at Manila Domestic Airport terminal sanhi ng pagka­sugat ng isang kawani kahapon.

Base sa report ng Manila International Airport Authority, unang su­miklab ang apoy sa Victoria Air Hangar sa Manila Domestic Airport na ngayon ay gina­gamit na imbakan ng iba’t ibang spare parts ng eroplano.

Ayon kay Fred Vas­quez, action officer on duty sa NAIA Command Cen­ter na nagsimulang sumik­lab ang apoy sa hangar na nagmula sa isang make-shift stove sa hangar.

Nabatid ng isang Rolando de Vera ang nagsasaing  nang tu­maas ang apoy dahil sa pag­gamit nito ng isang bote ng ”high octane airplane gasoline.”

Habang inaantay na maluto ang kanin nang aksidente umanong ma­ta­big ng isang dumaang pusa ang bote na kinala­lagyan ng gasolina na ginagamit sa eroplano kaya nasunog ang pusa.

Maging si de Vera ay napaso ng umaapoy na gasolina sa kanyang kanang kamay.

Nagpagulung-gulong naman ang nasusunog na pusa sa kisame hang­gang sa mamatay sanhi upang kumalat ang apoy.

Agad na rumesponde ang MIAA firefighters team sa hangar at napi­gilan ang pagkalat ng apoy sa bubong dakong alas-11 ng umaga ha­bang agad na dinala sa Manila Domestic clinic si de Vera na nag­tamo ng minor burn.

Samantala, faulty electrical wiring ang sinasabing dahilan ng kasunod na sunog sa Cora Jacob’s boutique sa ikalawang pa­lapag ng NAIA Terminal 1.

Sinabi ng mga em­pleyado ng botique na natunaw ang kanilang dimmer switch bunga ng short circuit na maaaring maging dahilan ng mala­king sunog sa buong paliparan.

Mabilis na inapula ang apoy ng mga aler­tong empleyado gamit ang nakalagay na fire extinguisher sa loob ng botique dakong alas-12:10 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasugatan sa ika­lawang insidente ng sunog sa pali­paran. (Ellen Fernando)

vuukle comment

COMMAND CEN

CORA JACOB

ELLEN FERNANDO

FRED VAS

KAMAO MANNY

LAS VEGAS

MANILA DOMESTIC

MANILA DOMESTIC AIRPORT

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with