^

Bansa

'H1N1 Influenza A' bagong tawag sa swine flu

-

MANILA, Philippines - Upang mapigilang mas lalo pang maapek­tuhan ang industriya ng ba­boy, ipi­ nasya ng World Health Organization (WHO) na palitan na ang pangalan ng swine flu virus na kuma­kalat ngayon sa Mexico at iba pang panig ng mundo kung saan tatawagin na lamang ito sa technical scientific name nito na “H1N1 Influenza A” o AH1N1 flu virus.

Kamakalawa ay sinabi ng Department of Health (DOH) na tawagin na lamang na “Mexican flu vi­rus” ang naturang sakit dahil naapektuhan na nito ang hog industry sa bansa.

Ang bagong polisiya ng WHO ay inilabas matapos na katayin sa bansang Egypt ang may 300,000 baboy noong Miyerkules sa kanilang lugar upang maiwasan umano ang swine flu bagama’t sinasabi ng mga eksperto na hindi sa pagkain ng baboy naku­kuha ang virus.

Ayon kay WHO spokes­man Dick Thompson, na­ ngangamba na ang agriculture industry at ang UN food agency dahil sa pagka­karoon ng maling impres­yon ng mga consumers sa H1N1 Influenza A. Sa katunayan, marami na rin aniyang bansa ang nag­patupad ng ban sa mga pork products.

Sa Paris naman, si­nabi ng World Organization for Animal Health na wala pang ebidensya sa kanilang lugar ng pig infection at wala ring naki­kita pang patunay na may taong nakakuha ng virus mula sa baboy.

Samantala, wala pa namang nakikitang rason ang WHO upang itaas muli ang pandemic flu alert sa pinakamataas nitong antas na Phase 6.

Una nang itinaas ng WHO sa Phase 5 ang pandemic flu alert kama­kalawa na nanga­ngahu­lugan na mayroong sustained transmission ng sakit sa mga tao sa ma­higit dalawang bansa. Sakaling itaas muli ito sa Phase six, isang senyales umano ito na nag buong mundo ay nasa ilalim na ng pandemic. (Doris Franche)

ANIMAL HEALTH

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DICK THOMPSON

DORIS FRANCHE

INFLUENZA A

SA PARIS

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

WORLD ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with