^

Bansa

Tag-ulan mapapaaga

-

MANILA, Philippines – Malamang na ma­agang pumasok ang tag-ulan kapag naging ganap na bagyo ang isang wea­ther disturbance na na­mataan sa silangan ng Mindanao.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Nathaniel Cruz, chief weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, na nag­sabi pa na patuloy nilang si­ nusubaybayan ang pag­kilos ng naturang low pressure area na nama­taan sa layong 690 kilo­metro mula sa silangan ng katimugang Minda­nao. 

Ang tag ulan ay kara­niwang unang nararam­daman sa bansa tuwing Hunyo at Hulyo.

Sinabi ni Cruz na ang LPA ay naapektuhan ng intertropical convergence zone na siyang nagda­dala ng kalat kalat na pag ulan sa Mindanao.

Ang Metro Manila at iba pang panig ng Luzon ay dumaranas ng ma­naka-nakang pag uulan na epekto naman ng tail-end ng cold front.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na baka maka­ligtas din sa LPA na ito ang bansa dahil lumawak ang tail-end ng cold front na umiiral sa dulong hilagang Luzon.

Hinaharang ng cold front ang namumuong sama ng panahon o LPA kaya hindi ito makapasok sa bansa. (Angie dela Cruz)


vuukle comment

ANGIE

CRUZ

GAYUNMAN

HINAHARANG

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

NATHANIEL CRUZ

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with