^

Bansa

Teves balik-Pinas!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Teves balik-Pinas!
Si dating Negros Rep. Arnie Teves katabi si NBI Director Atty. Jimmy ­Santiago na kabilang sa sumundo sa kanya sa Timor-Leste. Binasahan si Teves ng kanyang “Miranda Rights” habang nasa eroplano.

MANILA, Philippines — Balik-Pilipinas na nitong Huwebes ng gabi (Mayo 29) si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo, na sinundo ng gobyerno mula sa Timor-Leste.

Dumating sa Villamor Air Base ang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na sinakyan ni Teves pasado alas-7 kagabi.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mula sa Timor-Leste, nag-refuel ang eroplano sa Davao bago tuluyang lumapag sa Villamor, Pasay City.

Mula sa Villamor, dinala siya sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Pasay City para sa kaukulang medical examination at posibleng doon i-detain.

Nang tanungin kung ano ang nagpabago para paboran ang deportasyon, sinabi ni Remulla na hindi niya alam kung naimpluwensyahan ng ASEAN Summit ang desisyon. Giit niya na ang deportation ay isang “executive function”.

Kahapon ay nagtungo rin ang DOJ sa Malakanyang upang impormahan ang Pangulo sa naganap na pag-aresto at para pag-usapan ang mga susunod na hakbang matapos ang deportasyon.

Nitong Huwebes, una nang tiniyak ng DOJ na pinakilos na nito ang Joint Team na binubuo ng mga kinatawan ng DOJ, Bureau of Immigration (BI), at NBI kasunod ng kautusan ng Timor-Leste na i-deport na si Teves.

Si Teves ay sangkot sa mga kaso sa Pilipinas kabilang ang murder at frustrated murder, kung saan siya ang itinurong ‘utak’ sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Isinaalang-alang ng DOJ ang pahayag na inilabas ng Presidency of the Council of Ministers of Timor-Leste, na nagdeklara na isang banta sa national security at public order ang presensya ni Teves, na binanggit ang mga mabibigat na akusasyon laban sa kaniya bukod pa sa kawalan na ng legal na awtorisasyon na manatili sa Timor-Leste, matapos kanselahin na rin ng Pilipinas ang kaniyang pasaporte.

Ang administrative deportation decision, na effective immediately, ay nagsasabing ban sa loob ng 10-taon na muling makapasok sa Timor-Leste si Teves, grounded din sa Timor-Leste’s domestic laws sa migration at asylum, at paggalang sa mga prinsipyo ng international cooperation at ASEAN solidarity.

ARNOLFO TEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with