MANILA, Philippines - Hiniling ni Nacionalista Party President at Senador Manny Villar sa gobyerno na bigyan agad ng tulong-medikal ang Isang overseas Filipino worker na aksidenteng natusok ng metal ang ulo sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Sen. Villar na dapat na maipagamot agad ang OFW na si Quirino Sison, 50, heavy mechanic dahil hindi pa naaalis ang basag na bearing sa ulo nito kaya nagdudulot Ito ng sobrang sakit.
Si Sison mula sa Al Gassim, Saudi Arabia ay nakahingi ng tulong kay Villar ng tumawag ito sa itinatag na OFW Helpline ng senador.
Aniya, aksidente si yang natamaan ng basag na bearing kaya duguang Itinakbo sa ospital at ng suriin ng doktor ay may nakitang piraso ng metal sa loob ng kanyang ulo. Bunsod nito’y dalawang linggo ng hindi nakakapagtrabaho si Sison.
“Sumasakit po ang ulo ko lalo na pag nakatingala ako na parang may tumutusok, at namamaga, kaya hindi ako makatulog sa gabi,” ani Sison.
Kasabay nito, kinondena ni Villar ang gobyerno, partikular na ang Overseas Workers Welfare Administration dahil sa kakulangan ng proteksiyon ng mga OFWs na nasa ibang bansa.
Bunsod nito’y isinulong ni Villar ang paglikha ng “No fault Insurance system” na siyang tutulong sa oras na naaksidente ang isang OFW at hindi na kinakailangan pa na magsampa ng kasong sibil.
Una nang inihain ni Villar ang Senate Bill 3040 o ang Overseas Contract Workers Insurance Act na nag-uutos na bigyan ng insurance ang lahat ng mga OFW, bu kod pa sa ibinibigay ng OWWA.
Kasabay nito, isinumbong din ng may-bahay ni Quirino na si Edna na nagrereklamo din ang 11-pang kasamahan ng kanyang mister dahil sa hindi pagtupad ng kanilang kompanya sa ka nilang kontrata gaya ng sobra-sobrang oras sa pagtatrabaho. (Butch Quejada)