^

Bansa

Freeze order sa bank accounts ni Resado pinalawig ng Court of Appeals

-

MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Court of Appeals (CA) ang freeze order laban sa bank accounts ni State Prosecutor John Resado na nadawit sa kontrobersiyal na kaso ng suhulan ng Alabang Boys.

Sa resolusyon na isi­nulat ni Associate Justice Myrna Dimaranan-Vidal kinatigan nito ang mosyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na humi­ling ma-extend ang freeze order hanggang June 16.

Nabatid na napaso noong Abril 17 ang unang freeze order.

Nilinaw naman ng CA na ang kanilang ibinigay na extension ay huli na kung kayat kailangan matapos na nito ang kanilang imbestigasyon bago ang deadline na Hunyo 16.

Ang AMLC ay nagsa­sagawa ng imbestigasyon sa bank accounts ng mag-asawang Resado sa Banco de Oro-SM Bacoor branch sa Cavite at PSBank sa Padre Faura, Manila dahil na rin sa nagkaroon ito ng deposito na P800,000 noong Dec. 2, 2008 na siya ring araw na naibasura ang kaso laban sa Alabang boys. (Ludy Bermudo)

ABRIL

ALABANG

ALABANG BOYS

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ASSOCIATE JUSTICE MYRNA DIMARANAN-VIDAL

BACOOR

COURT OF APPEALS

LUDY BERMUDO

PADRE FAURA

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with