^

Bansa

Villar palaban na!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang kakaibang Senator Manny Villar na “pala­ ban”, taliwas sa dating ka­rakter na mapagtimpi sa harap ng mga pambaba­tikos ang gagawa pa ng ugong sa Senado matapos mapuno sa umano’y panla­lait sa kanya ng ethics committee sa pamumuno ni Sen. Panfilo Lacson.

Ito ang paniniwala ni Cavite Rep. Boying Re­mulla na nakakakilala kay Villar. “Yang si Villar, hindi marunong magalit yan. Pero pag nagalit yan tuluy-tuloy,” ani Remulla.

Dahil dito inaasahang lalung iinit ang bangayan ng dalawang magkaribal na Senador na kapwa nag-aambisyong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2010. Ayon sa isang impormante, malamang pasingawin ni Villar ang iba pang mga iregularidad na nalalaman niya tungkol kay Lacson.

Nagulat ang karamihan ng mga Senador sa gina­wang rebuttal ni dating Senate President Manny Villar sa mga akusasyon sa kan­ya ni Sen. Panfilo Lacson sa isyu ng C-5 Extension at “ready made order” ng Ethics Senate Committee na pinamumunuan ng huli.

Nasorpresa ang lahat nang tumayo si Villar sa plenaryo ng Senado kama­kalawa at sagutin punto por punto ang umanoy’ pamba­bastos na ginagawa ni Lacson at ilang miyembro ng Ethics Committee.

“Hindi tayo umaatras sa laban, walang taga-Tondo ang naghahanap ng away. Hanggang makakaiwas, iiwas ‘yan pero kapag gi­nipit mo na lalaban ‘yan. Tayo, hindi nakikipag-away sa mga kasama ko sa Senado, ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko, ang dangal ng pamilya at ang buong institusyon ng Se­nado,” paliwanag sa media ng laking-Tondo na si Villar.

Kinasahan ni Villar si Lacson matapos iabot ng huli sa kanya sa plenaryo ng Senado ang “committee order” ng Ethics committee na nagdedeklarang “sufficient in form and substance” ang reklamo sa kanya ni Sen. Jamby Madrigal tungkol sa proyektong C-5 extension road.

Sa talumpati ni Villar, tinawag niyang “kangaroo court” ang komite na pina­mumunuan ni Lacson at ibi­nunyag na noong 2002 ay mayroong desisyon ang Ethics Committee na pina­mumuan ni dating Sen. Ro­bert Barbers na nagreko­menda sa Ombudsman sa Department of Justice na kasuhan si Lacson dahil sa pagkakadawit nito sa mga illegal umanong gawain noong namumuno pa sa Philippine National Police at Presidential Anti Organize Task Force (PAOCTF).

Iginiit pa ng Naciona­lista President (NP) na kaya niyang ipaliwanag at ipag­malaki sa publiko ang kan­yang naipundar sa pagne­negosyo sabay hamon sa iba na: “Sila ba kaya nilang sabihin sa tao kung papa­ano sila yumaman,” hamon ng dating fish vendor sa Divisoria.

Isa-isa ring pinasada­han ni Villar ang iba niyang kritiko sa Senado tulad ng isang “may isang girlfriend na banat nang banat; isang taga-Bukidnon na may ka­song legal; isang nagku­kun­waring human rights defender; at isang sangkot sa krimen sa manipulasyon sa stock market ng Best World.”

BEST WORLD

BOYING RE

ETHICS COMMITTEE

LACSON

PANFILO LACSON

SENADO

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with