^

Bansa

3 dayuhan binigyan ng Bureau of Immigration job visa

-

MANILA, Philippines – Dalawang Ameri­kano at isang Malaysian ang mga bagong naka­tanggap ng indefinite “job generation” visa na ibinibigay ng pamaha­laan sa mga da­yuhang negosyante na nag-eempleyo ng sampu o higit pang Pilipinong mang­gagawa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Pinirmahan ni Immigration Commissioner Mar­celino Libanan ang certificates na nagbi­bigay ng special visa for employment generation (SVEG) sa tatlong da­yu­han sa isang sim­pleng seremonya sa BI main office sa Intra­muros, Manila.

Ang mga nabigyan ng visa ang mga Ameri­kanong sina Thomas Michael Reilly at Dee­pak Agarwal at Malaysian na si Tan Kee Lian.

“We are encouraging other foreigners doing business in the country to avail of this visa as this is our way of reciprocating them for the jobs and livelihood opportunities that they provide to our countrymen,” wika ni Libanan.

Ayon kay Libanan, na­papanahon ang pag­bi­bigay ng visa dahil apek­tado rin ang Pili­pinas ng krisis sa eko­nomiya na nararanasan ng mundo.

Sinabi ni Atty. Cris Villalobos, BI-SVEG one-stop shop head, naka­sunod ang tatlong apli­kante sa itinatak­dang requirements para sa pag­bibigay ng visa na sini­mulang ipatupad ng BI isang buwan na ang naka­lilipas.

Inilunsad ang nasa­bing visa kasunod ng executive order na nilag­daan ni Pangulong Arroyo sa Malacañang noong Nov. 17 sa layu­ning makahi­kayat ng maraming dayu­hang negosyante na mamu­hunan sa bansa na mag­reresulta sa dag­dag na trabaho para sa ma­raming Pilipino.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CRIS VILLALOBOS

DALAWANG AMERI

IMMIGRATION COMMISSIONER MAR

LIBANAN

PANGULONG ARROYO

SHY

TAN KEE LIAN

THOMAS MICHAEL REILLY

VISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with