^

Bansa

Lacson sabit sa Best World

- Tony Calvento -

MANILA, Philippines - Sumabit pa rin ang pa­ ngalan ni Senador Panfilo Lacson sa kaso ng Best World (BW) Resources Corporation ng negosyan­teng si Dante Tan na naaku­sahan ng price manipulation noong panahon ng adminis­trasyon ni dating Pangulong Joseph Es­trada.

Ito ang nahiwatigan sa isang sulat ni Tan sa AT DE CASTRO Securities Corporation na nag-aatas sa stock brocker na si Raul de Castro na ilipat sa pangalan ng ilang tao ang 1,200,000 shares ng BW stock.

Sa sulat, nakasaad na 300,000 shares ang mapu­punta kay Lacson na hepe nang panahon na iyon ng Philippine National Police at ng buwag na ngayong Presidential Anti-Organized Crime Task Force.

Ayon sa impormante, nang pumutok ang iskan­dalo sa BW noong pana­hon ng administrasyong Estrada, ang publicist na si Salvador Dacer ang public relation man ni Tan.

Bago nakidnap at pina­tay si Dacer at ang driver niyang si Emmanuel Cor­bito sa Cavite noong 2000, patungo sana siya sa Manila Hotel para makipagkita kay dating Pangulong Fidel Ramos at ibigay dito ang mahahalagang dokumento na nagbubunyag sa pag­kakasangkot ng ilang ma­taas na personalidad sa kaso ng BW na lumikha ng iskandalo sa Philippine Stock Exchange.

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Raul Gon­zalez sa isang pulong-balitaan kahapon na ma­a­a­ring magkaugnay ang pagkakapaslang kina Da­cer at Corbito at ang kaso ng BW.

Si Lacson at ang ilan niyang mga dating tauhan sa PAOCTF na sina Police Supts. Michael Ray Aquino, Glenn Dumlao, at Cesar Mancao ay pawang isina­sangkot sa pagpaslang kina Dacer at Corbito.

Sa nabanggit na sulat ni Tan, kabilang pa sa tatang­gap ng 300,000 shares sina Faustino Salud, Benito Salazar at Teodoro Enrti­quez/Buenaventura Pe­ralta.

Kinumpirma ni de Cas­tro sa isang panayam sa tele­pono na pinadalhan nga sila ng sulat ni Tan.

Nagpahayag si de Cas­tro ng pagkadismaya dahil nagawa ni Tan na makala­bas ng bansa samantalang sila ay naiwan dito sa Pili­pinas at limang taon nang nililitis.

“Sa loob ng limang taon, humaharap kami sa korte dahil sa usapin na lisensyado naman naming gawin. Iyon ang trabaho namin. Nadamay ang pa­nga­lan ng aming angkan na para bang kasama kami sa swindling scheme. Kaila­ngan ko pang magpiyansa ng P3 milyon. Nagpapasa­lamat ako na naabsuwelto kami pero muling bumaba­lik ang kaso. Hindi ko alam kung saan ito mapupunta,” sabi ni de Castro.

Nabatid din na noong Hulyo 1999, ang presyo ng bawat stock ng BW ay mula P30 hanggang P35. Tu­maas ito sa P130 bawat share noong huling bahagi ng Nobyembre ng taon ding iyon.

Sinabi pa ni de Castro na hindi lang ang AT DE CASTRO ang stock broker ng BW. Meron pa anyang iba.

Sinasabi ng ilang im­pormante na maaaring mahigit pa sa 300,000 shares ang tinanggap ni Lacson mula kay Tan.

Napaugnay ang Dacer-Corbito murder case sa kaso ng BW dahil sa isang affidavit ni Dumlao na nag­sasaad na inutos sa kanya ni Aquino na manmanan si Dacer.

BENITO SALAZAR

BEST WORLD

BUENAVENTURA PE

CESAR MANCAO

CORBITO

DACER

DANTE TAN

EMMANUEL COR

FAUSTINO SALUD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with