Ibrado sunod na AFP Chief
MANILA, Philippines - Pormal nang inanunsiyo kahapon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na si Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado ang hahalili kay outgoing AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano na magreretiro na sa darating na Hunyo 13.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo kahapon, kinumpirma ni Teodoro na si Ibrado ang napili ni Pangulong Arroyo na pumalit kay Yano sa hanay ng mga magkakatunggaling contenders bilang ika-39 Chief of Staff ng AFP.
“The President has instructed me to announce her selection of Lt Gen. Victor Ibrado as the successor of Gen. Alexander Yano to take effect upon the retirement of Gen. Yano,“ ani Teodoro.
Si AFP-Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Delfin Bangit naman ang papalit kay Ibrado bilang susunod na Army Chief.
Una rito, lumutang ang mga espekulasyon na si Ba ngit na pinakabata sa mga contenders ang iluluklok sa puwesto upang isulong ng administrasyon ang umano’y planong cha-cha o pag-aamyenda sa Saligang Batas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending