MANILA, Philippines - Matapos ang Mahal na Araw at ang registration break, sinabi ni Comelec spokesman James Arthur Jimenez na itutuloy na nila ngayong araw ang aplikasyon sa pagpaparehistro bilang paghahanda sa darating na 2010 presidential polls.
Ayon kay Jimenez, pansamantalang tinigil ang pagpaparehistro bilang paggunita sa Mahal na Araw subalit ngayong araw ay maaari na uling magtungo sa Comelec ang sinumang nais na magparehistro.
Muli rin nitong hinikayat ang mga mamamayan na samantalahin ang bakasyon upang magparehistro ng maaga at matiyak na makakaboto sa halalan sa susunod na taon.
Ang Comelec ay bukas 8am-5pm, Lunes hanggang Sabado. (Doris Franche)