Utang ng bansa umakyat sa P4.221 trillion ngayon
Ikinumpara ni Senator Francis “Chiz” Escudero sa “double your money scheme” ng Legacy Group ang utang ng Pilipinas na umaabot na sa P4.221 trilyon noong huling buwan ng 2008 dahil nadoble umano ito sa loob lamang ng walong taong panunungkulan sa puwesto ni Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Escudero, umabot na sa P2.2 trilyon ang nauutang ng kasalukuyang administrasyon simula ng maluklok sa Malacañang si Arroyo noong noong 2001.
Naniniwala si Escudero na ang stimulus plan ng gobyerno ay hindi dapat maging sangkalan para sa mas malaki pang pangungutang kung saan ginagamit lamang ang tutulungan umanong mahihirap.
Sinabi pa ni Escudero na mas maraming salapi ang itinutustos ng pamahalaan sa pagbabayad ng interes at prinsipal simula noong 2001 hanggang 2008.
Umaabot umano sa P1.448 bilyon bawat araw ang ibinabayad ng sambayanang Pilipino sa inuutang na P759 milyon bawat araw.
- Latest
- Trending