^

Bansa

Hong Kong writer nag-sorry na

-

MANILA, Philippines - Humingi na ng pa­uman­hin ang kontro­bersyal na Hong Kong columnist na si Chip Tsao matapos nitong tawaging “nation of servants” ang Pilipinas sa kanyang artikulo sa isang HK ma­gazine na may pamagat na “The War at Home.”

Sa isang local TV station sa HK kamakalawa ng gabi ay inere si Tsao habang nagbibigay ng kanyang “public apology” sa mga Pinoy na tina­maan ng kanyang kolum sanhi ng pag-alma ng sambayanang Pilipino lalo na ng mga OFW sa Hong Kong.

Nauna nang nag-public apology ang publisher ng nasabing English magazine na Asia City Publishing.

Tinanggap naman ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang paghingi ng sorry ni Tsao.

Sa kabila ito, itutuloy pa rin ng may 127,000 OFWs sa HK ang pagsa­sagawa ng kilos-protesta laban kay Tsao bilang pagkondena sa pang-iinsulto nito.

Kamakalawa ay ipi­nagbawal nang pumasok sa Pilipinas si Tsao ma­tapos na iutos ni Immigration Commissioner Mar­celino Libanan na i-blacklist ito dahil sa paghayag na mga alila o utusan ang mga Pinoy dahil sa pag­tuloy uma­nong pag-ang­kin ng Pi­lipinas sa Sprat­lys island na sinasabi nitong pag-aari ng China. (Butch Quejada/Ellen Fer­nando/Rudy Andal) 

ASIA CITY PUBLISHING

BUTCH QUEJADA

CHIP TSAO

ELLEN FER

HONG KONG

IMMIGRATION COMMISSIONER MAR

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PILIPINAS

SHY

TSAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with