Sa Afghanistan: Pinoy todas sa mortar attack

MANILA, Philippines - Patay ang karpin­terong si Norbert Malana Hobayan habang suga­tan ang isa pang Pilipino na si Rolando Tricenio nang tamaan ng mortar makaraang sugurin ang kampo ng militar sa Afgha­nistan noong Bi­yernes.

Sa natanggap na ulat ni Foreign Affairs Under­secretary Esteban Cone­jos Jr., sina Hobayan at Tricenio ay nagtatrabaho sa Kandahar airbase, southeast ng Kandahar City nang atakihin ng mortar shells ang kampo.

Paiimbestigahan na­man ni Conejos kung pa­ano nakapasok sa natu­rang bansa ang dala­wang biktima sa kabila ng umiiral na deployment ban ditto.

Ipinahinto ng gob­yerno ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Afghanistan, Nigeria, Jordan, Iraq at Le­banon   simula noong 2001. (Pia Lee Brago)


Show comments