^

Bansa

Gurong Kinidnap sa Zambo buhay pa?

-

MANILA, Philippines - Itinanggi ng mga ban­didong kidnaper na patay na ang isa sa tatlong guro dahil sa karamdaman nito matapos kumalat ang ulat ng pagkasawi nito dahil sa hindi pag-inom ng kanyang mga gamot.

Sinabi ni Task Force Bangkaw-bangkaw chief, Sr. Supt. Federico Castro, tumawag ang mga kidnaper sa pamamagitan ng isang alyas “Bobby” da­kong alas-10:30 kahapon ng umaga upang pabula­anan ang ulat ng pagka­sawi ng gurong si Noime Mande matapos na iere ito sa radio ng mga lokal na broadcaster.

Hindi naman kumbin­sido si Castro dahil sa tumanggi pa rin ang mga kidnaper na pinamumu­nuan ni Kamsa Hsdasal na ipakausap sa telepono si Mande upang patunayan na buhay pa nga ito.

Patuloy namang igini­giit ng mga kidnaper na pinaniniwalaang mga pirata, ang hinihingi nilang P10 milyong ransom ka­palit ng pagpapalaya kay Mande, Jocelyn Inion at Jocelyn Enriquez.  Dinukot ang tatlong guro nitong Marso 13 sa Brgy. Bang­kaw-bangkaw, Naga, Zam­boanga Sibugay at pina­niniwalaang itinatago sa may Tipo-Tipo, Basilan.

Unang sinabi ni Castro na lahat ng indikasyon sa mga impormasyong kani­lang nakakalap ay tumu­turo sa posibleng pagpa­naw ni Mande na suma­ilalim sa operasyon sa “cyst” bago pa man ito dinukot.      

Inaasahan naman umano ng mister ni Mande na si Elmer ang paglala ng kundisyon ng kalusugan ng kanyang asawa dahil sa tatlong linggo nang hindi pag-inom ng gamot ngunit nais rin nitong makakuha ng ebidensya ng bangkay nito bago maniwala sa ka­matayan nito. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

FEDERICO CASTRO

JOCELYN ENRIQUEZ

JOCELYN INION

KAMSA HSDASAL

NOIME MANDE

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with