^

Bansa

Ketchup sinusuri na rin sa salmonella

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang isina­sailalim umano sa pag­susuri ang ilang brand ng ketchup na nabibili sa mer­kado upang makati­yak na ligtas ito sa Salmonella.

Hindi naman ibinun­yag pa ni Bureau of Food and Drugs (BFAD) Director Leticia Gutierrez ang mga brand ng ketchup hanggat hindi pa kum­ple­to ang pagsusuri upang hindi naman umano ma­ka­alar­ma sa mga mami­mili.

Iginiit ni Gutierrez na maging ang ketchup, tu­lad ng peanut butter, ay lu­malabas na paborito ng mga bata kaya dapat agad na suriin upang agad na makapag-ingat ang publiko.

Kasabay nito, nagba­bala na rin si Gutierrez na susuyurin ang mga factory na gumagawa ng pagkain partikular sa lumalabag sa sanitation at hygiene.

Umapela din sa pub­liko si Gutierrez na dapat na ring maging vigilante ang publiko sa mga maoobserbahang lu­ma­labag sa kautusan ng BFAD tulad ng marurming pagawaan ng pagkain na ireport sa kanilang ahen­siya dahil nakasalalay dito ang kaligtasan at ka­lusugan ng nakararami. (Ludy Bermudo/Rose Tesoro)

DIRECTOR LETICIA GUTIERREZ

GUTIERREZ

IGINIIT

KASABAY

KASALUKUYANG

LUDY BERMUDO

ROSE TESORO

SHY

UMAPELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with