^

Bansa

Manggagawa sa Samuya sinuri kung Salmonella carrier

-

MANILA, Philippines - Sumailalim sa rectal swabbing ang mga mang­gagawa ng Sa­muya Food Manufacturing Inc. na nasa hanay ng production o may direktang pag­­hawak sa mga pag­kaing produkto upang ma­kati­yak na ligtas ito sa Salmonella bacteria contamination.

Layunin nito na ma­tukoy kung mayroong Salmonella carrier sa mga manggagawa at upang maagapan ang sakit.

Samantala, bukod sa mga brand ng peanut butter na gawa ng Samuya na Yummy at Ludy’s, isi­nali na rin sa reclall order ng DOH ang Ludy’s Coco Jam at Ludy’s Instant Salabat.

Ito’y dahil sa nakitang maruming lugar ng pa­gawaan tulad ng semen­tadong flooring sa factory na dikitin ng alikabok at mga bahagi ng pagawaan na walang bubong na dapat umano ay naka-tiles.

Kabilang din sa sinu­suri ang tubig at mga mani na inangkat pa sa China at India.

Pinag-aaralan na rin ng DOH ang posibleng pag­sasampa ng kaso laban sa Samuya. (Ludy Bermudo)

COCO JAM

FOOD MANUFACTURING INC

INSTANT SALABAT

KABILANG

LAYUNIN

LUDY

LUDY BERMUDO

SAMUYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with