^

Bansa

'Pinas ikaanim sa media killing sa mundo

-

MANILA, Philippines - Isa pa rin ang Pili­pinas sa mga bansang may mataas na bilang ng kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Nakuha ng Pilipinas ang ikaanim na puwesto mula sa 14 bansa sa may mataas na kaso ng media killings base sa 2009 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists na nakabase sa New York, USA.

Ang pinakahuling rekord ng Pilipinas pag­dating sa ranking ng me­dia killings ay ipina­labas sa pamamagitan ng Freedom Fund for Filipino Journalists at Southeast Asia Press Alliance.

Nangunguna pa rin sa ranking ang bansang Iraq na may pinakama­taas na kaso ng pagpa­tay sa mga mediamen kung saan naitala na 88 reporters ang napatay simula US invasion noong 2003.

Ayon sa CPJ, sumu­nod sa Iraq ang mga bansang Sierra Leone, Somalia, Sri Lanka, Colombia, Philippines, Afghanistan, Nepal, Russia, Pakistan, Mexico, Bangladesh, Brazil at India. (Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

FILIPINO JOURNALISTS

FREEDOM FUND

GLOBAL IMPUNITY INDEX

NEW YORK

PILIPINAS

PROTECT JOURNALISTS

SHY

SIERRA LEONE

SOUTHEAST ASIA PRESS ALLIANCE

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with