^

Bansa

Tipid kuryente solusyon sa energy crisis

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Balanga, Bataan Bishop Socrates Villegas ang publiko na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang pi­nangangambahang pag­kakaroon ng energy crisis kung saan dapat itong pangunahan ng mga go­vernment offices at ng mga industrial sector.

Ginawa ni Villegas ang pahayag bilang reaksyon sa panukala sa Kamara na buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na nasa Morong, Bataan.

Labis ang pagtutol ni Villegas sa pagbuhay sa BNPP dahil delikado umano ito sa kalusugan at sa kalikasan.

Binigyang-diin pa ni Villegas na dapat ding ikon­sidera ng mga mam­babatas ang paggamit ng solar at wind energy bilang alternatibo sa halip na nuclear power plant, dahil higit itong mas malinis, ligtas at mas mura, at ma­rami na ring bansa ang gumagamit nito sa kasa­lukuyan.

Ayon pa kay Villegas na napakaraming geothermal sources sa bansa na maaring gamitin, kung hahanap lamang ng pa­raan ang gobyerno. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BALANGA

BATAAN BISHOP SOCRATES VILLEGAS

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

BINIGYANG

DORIS FRANCHE

GINAWA

KAMARA

SHY

VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with