Pag-upo ni Suansing sa Customs iniipit
MANILA, Philippines - Si dating Port of Ma- nila Customs Collecter Horacio Suansing Jr., ang itinalagang bagong Deputy Customs Commissioner Intelligence and Enforcement Group pero ito uma no ay iniipit sa Department of Finance.
Ayon sa impormas- yon, halos tatlong buwan na ang nakakaraan ng pirmahan ni Pangulong Arroyo ang bagong appointment ni Suansing ma tapos magretiro si deputy Customs Commissioner Celso Templo.
Napagalaman ang appointment ni Suansing ay naipadala ni Executive Secretary Eduardo Ermita kay DOF Secretary Margarito Teves dalawang araw matapos ito pirmahan ni Arroyo noong Enero 26, 2009.
Ayon sa impormasyon hanggang ngayon ay hindi pa maka-upo sa bagong puwesto si Suansing bilang ‘spy czar’ sa bureau sa hindi mala-man dahilan.
Si Suansing, ay malapit na kaanak ni Senator Miriam Defensor Santiago na sinasabing mahigpit na kritiko ni Teves.
Ayon sa impormasyon, may ‘manok’ daw si Teves para sa nasabing puwesto.(Butch Quejada)
- Latest
- Trending