^

Bansa

P125 milyon inilaan ni GMA sa mga sundalo

-

BAGUIO CITY , Philippines  - Nag­pa­labas ng P125 milyon si Pangulong Arroyo mula sa President’s Social Fund (PSF) para sa housing at livelihood program ng mga pamilya ng nasugatan at nasawing sundalo sa pag­tatanggol sa mga kaaway ng estado.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ika-104th graduation rites sa Philippine Military Academy (PMA) na pina­ngu­nahan ng Masiglahi Class, ramdam niya ang pag­hihirap ng mga Filipino lalo na ang pamilya ng mga sundalo. 

Bukod sa housing program para sa pamilya ng mga disabled at killed-in-action soldiers ay magka­kaloob din ang gobyerno ng P180,000 cash assistance sa mga ito.

Binati din ni Pangulong Arroyo ang 184 na nagta­pos sa Masiglahi Class sa pangunguna ng valedictorian nitong si Karl Winston Cacanindin ng Aurora province.

Umaasa ang chief executive na ang mga ba­gong graduates ng PMA ay mag­sisilbi ng tapat at ipagta­tanggol ang Kons­titusyon ng bansa.

Wika pa ng Pangulo, hindi dapat masayang ang investment ng gobyerno para sa kanilang pag-aaral sa PMA na isa sa mga es­tratehiya ng adminis­tras­yon para malabanan ang kahi­rapan ay sa pa­mama­gitan ng pagbi­bigay ng kalidad na edu­kasyon. (Rudy Andal)

BINATI

KARL WINSTON CACANINDIN

MASIGLAHI CLASS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

RUDY ANDAL

SHY

SOCIAL FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with