MANILA, Philippines - May 56 ahensya ng pamahalaan kabilang ang tanggapan ni Pangulong Gloria Arroyo at ni Manila International Airport Authority General Manager Al fonso Cusi ang sumuporta at tumulong sa Grand Bida Iwas Droga march na nakatakda sa Marso 21.
Ang naturang kampan ya na inaasahang magiging pinakamalaking martsa laban sa bawal na gamot ay sinimulan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino mula pa noong taong 2003.
Tinatarget ng PAGCOR na maitala sa Guinness World Record ang malaking martsa na ito.
Isasagawa ang martsa mula ala-1:00 ng hapon mula sa CCP complex hanggang sa Luneta.
Ang martsa ay isang malaking bahagi ng proyektong BIDA para maimulat ang mga kabataan sa masamang epekto ng bawal na gamot.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Genuino sa mga ahensya ng pamahalaan na sumuporta sa martsa. Kabilang pa sa tumulong ang Land Transportation Office, Philippine National Police, Department of Transportation and Communication, Department of Education, Philippine Charity Sweepstakes Office, Maynilad, mga pamahalaang lokal at iba pa.