Pagbukas ng minahan sa Davao tinututulan

MANILA, Philippines - Mahigpit ang pagtutol ng Simbahang Katoliko, mga magsasaka at libo-libong residente ng Davao City sa layunin ni Mayor Rodrigo Duterte na buksan ang minahan ng Diwalwal Mineral Reservation dito.

Sinabi ni Fr. Pete Maniwan na magbubunga ng pagwasak ng kalikasan ang iginigiit ni Duterte.

Sinabi ng pari na ayaw nilang maganap sa Davao City ang malagim na trahedya sa ibat-ibang panig ng bansa bunga ng pagguho ng mga bundok na nagresulta ng pagkamatay ng maraming inosenteng mamamayan dahil lamang sa walang puknat na pagmimina.

Bunsod nito, nanawagan sila kay Pangulong Gloria Arroyo na huwag pagbigyan ang kahilingan ni Duterte sa “proposed operational structure for the Diwalwal Mineral Reservation”. (Mer Layson)

Show comments