^

Bansa

DOJ kinakalampag na sa Legacy

-

MANILA, Philippines - Ang Department of Justice ang kinakalam­pag naman ngayon ng Senado kaugnay sa pag­sasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Legacy Group sa pangunguna ni Sto. Domingo, Albay Ma­yor Celos de los Angeles.

Ayon kay Senator Mar Roxas, dapat agad na gu­ mawa ng aksiyon ang DOJ bilang tulong na rin sa mga naging biktima ng Legacy.

“Pukpukin natin ang DOJ. Kalampagin natin hanggang sa mag-file na sila ng kaso laban sa Le­gacy,” sabi ni Roxas.

Sinabi ni Roxas na da­pat maging mapag­bantay ang publiko at huwag ha­yaang ‘i-dribble’ lamang ang isyu nang pagsasampa ng kaso hanggang sa makali­mutan na lamang.

Idinagdag ni Roxas na naihain na ang mga rek­lamo sa DOJ laban sa mga opis­ yal ng Legacy at ma­ging sa mga kasabwat sa Securities and Exchange Commission, Bangko Sen­tral ng Pili­pinas at iba pang investors, at ini-refer la­mang ito para sa preliminary investigation ng “Task Force Legacy”.

Sinabi ng mga miyem­bro ng task force sa mga senador na gagawin ang preliminary investigation sa mga reklamo sa Marso 21.

Sinabi ni Roxas na ma­liwanag naman na napa­karaming naloko ng Le­gacy at ginamit pa ni de los Angeles sa personal na ambisyon ang salapi ng mga ito. (Malou Escudero)

ALBAY MA

ANG DEPARTMENT OF JUSTICE

BANGKO SEN

LEGACY GROUP

MALOU ESCUDERO

ROXAS

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with