MANILA, Philippines - Isang ‘cocktail night’ na inihanda ng College of Management and Entrepreneurship (CME) ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang ma gaganap ngayong Miyerkules, Marso 18 sa University Activity Center ng PLM Campus, ganap na alas-5 ng hapon.
May temang “Looking ahead on Fulfilling Social Responsibility through Public Servants’ Development’, sinabi ni Dean Eloisa Macalinao ng CME, tampok sa makasaysayang gabing ito ang munting salu-salo ng public servants mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Suportado ang okasyon nina PLM president Atty. Adel Tamano at dating councilor Ernesto Maceda Jr., executive vice-president ng PLM, na kapwa nagpahayag ng paniniwala na ang wastong pamamahala ang magiging susi sa tagumpay at pag-unlad ng isang bansa.