^

Bansa

DILG sa government employees: Magtrabaho kahit breaktime

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng em­pleyado ng lokal na pa­ma­halaan at ng ahen­ sya na magtrabaho kahit “breaktime” kung may mga kliyenteng hindi pa naseserbisyuhan bilang parte ng programa sa pagpapaigting sa pagpu­tol sa “red tape” sa gob­yerno.

Sinabi ni DILG Secretary Ronaldo Puno na nararapat hindi maputol ang ibinibigay na ser­bisyo sa publiko kung lunch break habang ki­naka­ilangan rin na ma­pagsil­bihan ang mga tao kahit lagpas na ng oras ng kanilang trabaho bilang bahagi ng “Comprehensive and Unified Response to Eliminate Red Tape (CURE)”.

Una nang inatasan ni Puno ang mga pinuno ng mga lokal na pama­ha­laan na bumuo ng “citizen charter” sa bawat opisina nila kung saan magiging batayan ng publiko kung paano ma­kakakuha ng hinihanap nilang ser­bisyo, kung sino ang mga lalapitan, magkano ang eksaktong babayaran at iba pa.  Pinaalalahanan rin ni Puno ang mga LGU na pababain ang bilang ng mga pipirma sa mga pa­peles ng publiko upang hindi mapatagal ang mga transaksyon at maiwa­san ang korupsyon.

Nabatid na kasaluku­yan pa ring inirereklamo ng publiko ang kaba­galan sa serbisyo ng marami sa mga lokal na pamaha­laan, pagiging tamad ng mga em­ple­yado, pag-aaksaya sa oras ng tra­baho, pag­hingi ng lagay kapalit ng pag-apruba sa mga pa­pe­les at kawalan ng interes na magser­bisyo sa tao.

COMPREHENSIVE AND UNIFIED RESPONSE

ELIMINATE RED TAPE

NABATID

PINAALALAHANAN

PUNO

SECRETARY RONALDO PUNO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with