Lamay ni Francis M dinagsa ng fans

MANILA, Philippines - Dinagsa ng mga fans ang lamay ng namayapang master rapper Francis Magalona sa Christ the King Memorial Chapel sa Green Meadows, Quezon City.

Sinasabing mula pa ng alas-6 ng umaga ay patuloy na ang pagdagsa ng mga tao na masilayan ang labi ni Magalona sa huling pagkakataon dahil ang public viewing ay pinapayagan lamang hanggang alas-6 ng gabi ng Sabado.

Bunsod nito, nagkaroon ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar kaya patuloy ang pagmando ng mga elemento ng QC enforcers dito.

Si Magalona ay namatay noong Biyernes ng hapon dahil sa multiple organ failure dulot ng sakit na leukemia sa edad na 44 anyos. (Angie dela Cruz)

Show comments