^

Bansa

Di raw sugal, Mahjong, tong-its bawal hulihin

-

MANILA, Philippines - Nilinaw ni dating kon­sehal at ngayon ay Secretary to the Vice Mayor Isko Moreno na si Bernie Ang sa lahat ng mga kapulisan sa Maynila na bawal hulihin ang tong-its, mahjong at domino dahil hindi naman ito itinuturing na sugal.

Ayon kay Ang na siya ring may akda ng ordi­nansa sa gambling na anumang laro sa baraha tulad ng tong-its, mah­jong, domino, pusoy at pusoy dos na ginaga­mitan ng isip o utak para laruin ay hindi sugal, ito ay ‘game of skill’ tulad ng chess, scrabble at iba pang popular boardgame.

Nilinaw ni Ang na ang mga sugal na lucky nine, black jack at cara y cruz ang itinuturing na illegal dahil ito ay game of chance o inaasa lamang sa swerte ang panalo dahil walang human mind intervention dito. Kabilang pa sa game of chance na maituturing ay ang karera, sabong, video karera at fruit games.

Kaugnay pa nito, bi­nigyang babala din ni Ang ang lahat ng mga kapu­lisan sa Maynila na kung saka­ ling makakaakto na­man sila ng mga nagsu­sugal na mayroong may nakalagay o nakadisplay na pera sa ibabaw ng mesa o sa harapan ng baraha ay ito na lamang ang kunin at hindi dapat idamay ang pera sa bulsa at wallet ng mga manu­nugal.

Ito ayon kay Ang ay isang maling krimen na maituturing at maaaring balikan ng kasong qualified theft ang mga awto­ridad na posibleng mauwi sa kanilang pagkakasibak sa trabaho at pagka­bilanggo. (Doris Franche)

AYON

BERNIE ANG

DORIS FRANCHE

KABILANG

KAUGNAY

MAYNILA

NILINAW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with