Pondo ng automated polls aprub na!

MANILA, Philippines - Tuloy na ang automated elections sa May 2010 presidential polls matapos na maapru­bahan ng Kongreso ang P11.3 bilyong supplemental budget na hinihingi ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Arthur Jimenez, labis na natu­tuwa ang komisyon sa naturang pinakabagong pangyayari kung saan nagbigay ito ng katiyakan sa Kongreso na magiging “transparent” ang Come­lec sa gagawin nilang pagbili ng mga kagamitan na gagamitin sa automation.

Aniya, sisiguruhin ni­lang bawat hakbang ni­lang gagawin ay ipa­pa­alam nila sa mga mam­babatas, at ipapaliwa­nag din nila kung paano nila ito isasagawa upang ma­tiyak na maka­ tutugon sila sa hinihinging “trans­parency.”

Nais rin aniya nilang matiyak na walang mag­rereklamo na nagkaroon sila ng “shortcut” sa mga proseso at upang ma­kasiguro na rin na magi­ging matiwasay ang pag­daraos ng automation sa bansa.

Sisimulan na rin uma­no ng Comelec sa Abril ang bidding process para sa mga equipment na kanilang gagamitin, dahil kinakailangan umanong mag-doble kayod ang poll body bunsod na rin ng kakaunting panahon na natitira sa kanila upang magprepara sa darating na halalan.

Show comments