500,000 trabaho laan sa OFW
Inanunsiyo kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na, sa kabila ng nagaganap na global financial crisis, mayroong 500,000 bakanteng trabaho na naghihintay para sa mga overseas Filipino worker.
Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, mayroong job orders para sa mga OFW lalo sa construction sector sa Middle East, Canada at Australia.
Pinayuhan naman ni TESDA Director-General Augusto Syjuco ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibayong-dagat na sumailalim sa pagsasanay sa TESDA tulad sa welding, roofing, carpentry at tile laying upang maging competitive ang mga ito sa paghahanap ng kanilang trabaho. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending






















