6,000 baboy susunugin ngayon

Isasagawa ngayong araw ang pagpatay sa may 6,000 mga baboy sa Pandi, Bulacan na unang natukoy na tinamaan ng Ebola Reston Virus (ERV) ngunit posible umanong abutin ito ng isang linggo bago tuluyang matapos.

Ayon kay Dr. Eric Ta­yag, director ng National Epidemiology Chief (NEC) ng Department of Health (DOH), ang mga baboy ay papatayin sa pamama­ gitan ng sistemang “electrocuting” o gamit ang kuryente.

Pagkatapos ay saka ibabaon ang mga baboy sa may 30 metrong hu­kay sa loob mismo ng farm. Nabatid na batay na rin umano sa ka­utu­san ng pamahalaan, hindi maa­aring payagan ang media na i-cover ang pagpatay sa mga baboy upang maiwasan na kumalat pa lalo ang nasabing virus.

Iginiit ng DOH na mahigpit nilang iniiwasan na malantad ang tao sa mga maysakit na baboy. Posible rin naman aniya na abutin ng hanggang pitong araw bago tulu­yang matapos ang pag­patay sa 6,000 baboy.

Samantala, muli rin namang iginiit ng DOH official na walang ser­yosong banta sa tao ang ERV at hindi rin aniya ito nagdudulot nang pagka­kasakit sa tao.

Gayunman, dahil ani­ya sa epekto nito sa mga baboy, pinag-aaralan pa rin ng DOH at iba pang health experts ang ma­aring maging epekto ng virus sa tao.

Tiniyak naman ni Ta­yag na hanggang sa ka­salukuyan ay nana­na­tiling maayos ang kon­disyon ng kalusugan ng anim na katao na posi­tibong nahawahan ng naturang virus. (Doris Franche)

Show comments