^

Bansa

Karne ng baboy na may ebola, safe kainin - Department of Agriculture

-

Ligtas kainin ang mga karne ng baboy kahit na ito ay buhat sa Bulacan na ang mga babuyan ay kinakitaan ng ebola virus

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, walang epekto at hindi nakamamatay sa mga taong kumain ng karne ang baboy na may ebola.

Gayunman, sinabi nitong kailangan ding linising mabuti at lutuing mabuti ang mga karne bago ito kainin at kung may sabaw ang lulutuing baboy tulad ng nilaga at sinigang ay dapat itapon ang unang pinaglagaang tubig para makatiyak na walang epekto sa kalusugan ng tao.

Iniulat din ni Yap na nagsimula na ang kanyang mga tauhan sa Provincial Veterinarian Office at regional field unit ng DA sa Bulacan ang pag-imbentaryo sa 6,000 mga baboy na sinasabing may sakit na Ebola Virus sa Pandi, Bulacan bago sunugin.

Sinabi ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Dave Catbagan , maaaring ngayong linggo isasagawa ang pagsunog sa naturang mga baboy habang ngayong araw ay may limang team na ang magsasagawa ng occular inspection kung saang lugar maaring maghukay na paglalagakan ng mga sunog na baboy.

Inihayag pa nito na sa sandaling masunog na ang lahat ng baboy, agad nilang sisimulan ang mas malawak na surveillance sa lahat na mga babuyan sa buong region 3 at 4 kasama na rito ang mga babuyan sa Pangasinan.

Hindi pa rin maipaliwanag ng BAI kung paano napunta ang Ebola Reston Virus sa mga baboy bagamat patuloy na umano itong pinag-aaralan ng mga dalubhasa kung saan nanggaling. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANGIE

BABOY

BULACAN

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

DIRECTOR DAVE CATBAGAN

EBOLA RESTON VIRUS

EBOLA VIRUS

PROVINCIAL VETERINARIAN OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with