^

Bansa

Pagbasura sa Visiting Forces Agreement nirerebisa na

-

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng isang Malacanang official na sumasailalim na sa pag-aaral ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil na rin sa lumalawak na pana­ wa­gan para sa pagbasura nito.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita, sumasailalim na sa automatic review ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang VFA matapos na magdesisyon ang Korte Suprema kaug­nay sa legalidad nito.

Ayon kay Sec. Ermita, hindi maaaring balewa­lain ng Palasyo ang luma­lawak na panawagan para muling pag-aralan ito lalo na ang panawa­gang ibasura ang nasa­bing kasunduan.

Maging si Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile ay pabor din na rebyuhin ang VFA habang hinika­yat naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang gob­yerno na kumuha ng international law expert upang repasuhin ang nasabing kansunduan.

Dumarami ang nana­nawagan na ibasura ang VFA lalo na kaugnay na rin sa custody ni Lance Corporal Daniel Smith na na-convict sa kasong rape subalit hanggang ngayon ay nasa custody pa rin ng US embassy sa kabila ng desis­yon ng High Tribunal na da­pat ang gobyerno ang may kustodiya dito. (Rudy Andal)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

HIGH TRIBUNAL

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

RUDY ANDAL

SENATE PRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with